NANGUTANG KA BA SA PANGARAP MO O
NANGUTANG KA SA BAGAY NA GUSTO MO
NANGUTANG KA SA BAGAY NA GUSTO MO
Hindi maipagkakaila na karamihan sa ating mga pilipino ay nangungutang.Kung mag a-apply ka ng trabaho lokal man o abroad pumapasok na kagad ang salitang "UTANG",utang sa pagkuha ng pasport,pagkuha ng nbi clearance,utang para medical,minsan nga pati pamasahe utang pa din di ba.
Ngunit,bakit nga ba napapsok tayo sa ganitong sitwasyon ng pangungutang?
Iisa lang naman ang dahilan nating lahat,dahil kahit ako ay dumanas din sa ganito,maayos at magandang kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay o pamilya di ba.Eto ang numero unong dahilan ng bawat indibidwal lalot higit sa mga OFW na isinugal ang kanilang kalungkutan,pananabik na makasama ang sariling pamilya,mahalaga at masasayang okasyon at napakarami pang iba.
Mahirap ang malayo sa pamilya di ba!Napakaraming sakripisyo,minsan nga nasisira pa ang buong pamilya nito.Pero minsan ang masaklap nito,may trabaho ka na o nasa abroad ka na,nangungutang ka pa din .Nagtataka ka ba?Ang totoo may 2 uri ng pangungutang ,at eto ang gusto ko talakayin sayo.
1.Nangutang ka dahil sa "PANGARAP MO" o
2.Nangutang ka dahil sa "BAGAY NA GUSTO MO"
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "UTANG" ang utang ay halaga ng pera o isang bagay na hiniram mo sa iba o sa ibang tao.Sa ingles "an amount of money borrowed by one party from another".At sa pagkakautang mo na eto ay may nakapaloob na kasunduan at kondisyon na ibabalik mo eto sa oras at petsa na napagkasunduan nyo.Minsan nga may interes pa.At ngayong nasa abroad ka na marahil nangutang ka para sa dalawang kadahilanan.
PARA SA PANGARAP MO - isang uri ng pangungutang na may interes kung inutang mo eto kay banko X.Maaring ipinangbili mo eto ng bahay na iyong pauupahan,o maaaring ipinangbili mo eto ng lupa na pwede mo gawing sakahan.At sa pagdating ng mahabang panahon pagkakakitaan mo at lumalaki ang value o halaga nito.Isang halimbawa ( tignan ang table sa baba ) kung ipinangbili mo ng bahay ang pera na inutang mo at pauupahan mo eto ng 3000 pesos/month × 10 years nasa table sa baba ang halaga na kikitain mo simula sa umpisa na pinaupahan mo eto.At ang kinita mo minus 3 basic expenses (tax,home maintenance,association dues) yan ang halaga ng perang papasok sayo o kikitain mo.Kung nagtataka ka bakit di kasama ang kuryente,gas at tubig,ang uupa na ang babayad nyan para sayo.

PARA SA BAGAY NA GUSTO MO - isang uri ng pangungutang na may interes kung inutang mo eto kay banko X.Pwedeng ipinangbili mo eto ng sasakyan para may pampasyal ka kung magbabakasyon ka o kaya namay ipinangbili mo ng mga bagay na sa pagtagal ng mahabang panahon nauubos o lumiliit ang halaga o value nito.Halimbawa,ipinangbili mo ng sasakyan para sa personal mong kapritso.Tignan ang table sa baba kung ano ang resulta nito.Napansin mo ba na puro tapon at gastos ang pera mo dito,alang pumapasok na income di ba.Pero masaya ka hanggat nakakasakay ka at bata ka pa,e papaano naman kaya pag tumanda ka at walang pumapasok na pera sayo,ano kaya ang pwedeng mangyare sa buhay mo.
Nagtaka ka ba?Kung ano ang pagkakaiba ng perang inutang mo para sa PANGARAP MO at perang inutang mo para sa BAGAY NA GUSTO MO.Kung pagmamasdan mo at susuriing mabuti,pwede kang kumita sa bahay na binili mo sa pamamagitan ng umuupa dito at tumataas pa ang halaga nito.Kumpara sa sasakyan na inutang mo para ipambili nito.Sa unang takbo pa lang magbabayad kana ng insurance at gasolina para mapatakbo mo eto.
Sa totoo lang madali talaga ang mangutang,lalot alam mo na may panghulog at pangbayad ka dito.Pero kabayan,hindi bat mas masarap ang umutang kung alam mong pagdating ng bukas eto ay iyong pagkakakitaan at mapapakinabangan.Kesa utang na pansamantalang kaligayahan lamang pero tuloy tuloy mo etong huhulugan.Palaging tatandaan kung 30 anyos ka ngayon at malakas ka pa para makabayad sa utang, gamitin mo eto sa kapaki pakinabang,dahil sa pagtanda mo dina sapat ang lakas mo para ipambayad ng utang sa sasakyang pampasyal mo noong panahon ng kalakasan mo.
Palagi po nating tatandaan ang oras ay pasulong at hindi paurong,samantalahin ang bawat pagkakataon at panahon para sa pagpupundar ng mga bagay na tumataas ang halaga at hindi ang mga bagay na lumiliit o nababawasan ang halaga.
P.S. Hanggang sa muli.I hope na nagbigay aral sa iyo ang artikulo kong eto,maging matalino at masinop sa perang pinaghirapan mo.Kung nagustuhan mo ang artikulo kong eto,pwede mong i share sa mga friends mo,i like mo and your comment is highly appreciated.
P.S. Lots of Regular Filipinos are Starting to Experience Time Freedom and Financial Abundance."THANKS TO THIS PROVEN SYSTEM" Will you be one of them.CLICK HERE....
P.S. You can watch our daily LIVE FREE ONLINE SEMINAR (monday to friday 9pm) Pilipinas time.Click here to watch 100% free..

Nice article sir. keep it up! ipagpatuloy natin ang layuning mabuksan ang isipan ng ating mga kababayan ukol sa kahalagahan ng usaping pang-pinansyal. Mabuhay ka! =)
ReplyDelete