3 EASY STEPS HOW TO BUDGET YOUR MONEY
Alam mo ba na marami sa ating mga pinoy ang kumikita ng pera pero palaging kapos at tila walang naiipon.Minsan gastos tayo ng gastos para sa mga kailangan at mga gusto natin hanggang sa magugulat na lang tayo na wala na pala tayong madukot sa ating bulsa.Ang masaklap nito kapag dumating ang panahon ng iyong pangangailangan o yong tinatawag na “EMERGENCY” wala kang choice kundi ang mangutang sa mga kamag anak at ilang mga kaibigan.At alam mo ba na ang isang dahilan nito ay ang hindi wastong pagba “BUDGET” o pagmamanipula ng iyong kinikita o hawak mong pera.Ako man ay katulad mo ding nakakaranas ng ganitong sitwasyon.Kaya naman naisip kong gumawa ng paraan para sa isang “EPEKTIBONG SISTEMA SA PAGBA BUDGET” at pagmamanipula ng iyong pera o pananalapi.
Pero,bago ko umpisahan.Ano nga ba ang tunay kahulugan ng salitang “BUDGET ” Ang isa sa magandang kahulugan nito ayon kay John Maxwell ( Internationally recognized leadership expert and founder of EQUIP and Injoy Stewarship Services). “A BUDGET is telling your money where to go instead of wondering where it went.” kung sa tagalog,ang BUDGET ang magsasabi sa pera mo kung saan mo eto dadalhin ng sa gayoy dika magtataka kung saan nga ba napunta ang naubos mong pera.
Bakit nga ba napakahalaga ang tama at wastong pagba BUDGET?Importante na matutunan mo ang tamang pagba budget dahil binibigyan nito ng solusyon na ilayo ka o iiwas sa iyong pangamba na baka maubos ang iyong pera ng hindi mo nalalaman kung saan napunta.Nakakatiyak ka na sa tamang paraan ng pagba budget malalaman mo ang iyong limitasyon kung hanggang saan ka lang dapat gumasta.Sa tamang pagba budget inilalayo ka sa pagkakautang o sa pangungutang sapagkat alam mo na kung hanggang saan ang iyong limitasyon sa iyong paggasta.
At dahil karamihan sa ating mga pinoy ay sumusweldo tuwing katapusan ng buwan,marahil eto ang ating basehan kung papaano natin bina budget ang ating kaperahan.Kaya naman,mas epektibo din kung gagawin natin ang buwanang budget ng ating kaperahan.At eto ang 3 EPEKTIBONG SISTEMA O PAMAMARAAN kung papaano mo ba budgetin ang iyong kinikita o kaperahan.
- Ilista ang lahat na pwedeng pagkakagastusan kada buwan (kuryente,tubig,gas,emergency fund,groceries at iba pa) -napakahalaga na ang bawat gastos o pagkakagastusan ay nakalista.Sa ganitong paraan mababahagi mo ng tama ang iyong kaperahan ng naaayon sa ibat ibang bahagi ng iyong pagbabayaran o pagkakagastusan.

- Magawa ng monthly monitoring sheet kung saan nakalista ang bawat bahagi na dapat mong pagkagastusan.- ang monitoring sheet mo na eto ang syang magpapaalala sayo kung magkano at saan mo ilalagay ang bawat bahagi ng iyong kaperahan o pagkakagastusan.

- Magawa ng sobre kung saan nakasulat dito ang bawat bahagi na iyong pagkakagastusan.- mahalaga na ang bawat sobre ng iyong pagkakagastusan ay may nakalaang halaga,sa ganitong paraan makasisiguro ka na ang iyong kaperahan ay nasa tamang posisyon,pera na nakasobre para sa kuryente,pera na nakasobre para sa tubig,pera na nakasobre para sa gas,pera na nakasobre para sa groceries at iba pa.
Laging tatandaan maliit man o malaking gastos,importante na etoy nakalakip sa sobre.Etoy para sa epektibong pagbaha bahagi ng iyong kinikita o kaperahan.
IMPORTANTENG TANDAAN: Isa sa pinaka importante na bahagi na dapat bigyan ng malaking konsiderasyon sa pagba BUDGET ay ang “EMERGENCY FUND” Ano ba ang importansya at bakit napakahalaga nito para sayo.Ang EMERGENCY FUND ay isang bahagi ng kaperahan na itinatago mo, kung saan pwede mo etong magamit sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan katulad ng pagkawala ng trabaho,pagkakasakit,natural disaster tulad ng bagyo o lindol at iba pang di inaasahang pangyayare.
Ang pagkakaroon ng EMERGENCY FUND ay isang parte ng iyong pera na naka isang tabi na kung saan madali mo etong madudukot at magagamit sa anumang oras na iyong kailangan.Mahalagang ilagay mo eto sa banko o sa isang lugar na madali mong mawi withdraw o magagamit.Ang tipikal na halaga o iminumungkahi sa pagkakaroon ng EMERGENCY FUND ay nagkakahalaga ng tatlo o hanggang anim na buwan mong sweldo.
P.S. Kung nakatulong sayo ang article kong eto,I highly appreciate your comment and like at mas maganda kung i share mo sa mga friends mo.Dahil naniniwala ako na ang unang hakbang ng bawat pilipinong nangangarap ng magandang kinabukasan ay ang tama at epektibong pamamaraan ng iyong kaperahan.
P.S. You can watch our daily LIVE FREE ONLINE SEMINAR
(monday to friday 9pm) Pilipinas time.Click here to watch 100 % free.

No comments:
Post a Comment