Thursday, March 10, 2016

COLLECTION ITEMS: May halaga ba eto?


            COLLECTION ITEMS: May halaga ba eto?




Mahilig ka bang mag shopping o bumili ng mga items o bagay na paborito mo.O isa kang "COLLECTIONIST" na mahilig mag ipon ng mga sapatos.damit,bags at mga bagay na nagpapasaya sayo 
habang padami ng padami eto.

Well,to be honest with you.Isa din ako na nalulong at nangolekta ng bagay na gusto ko.Five years ago,kinahiligan ko ang mag collect ng mga DVD's at CD's player.Sa tuwing sumasahod ako pinaglalaanan ko talaga eto at may nakalaan akong budget para dito at ginawa ko eto sa loob ng 3 taon.Kasi masaya ako kapag nakikita ko na naka
 file eto.

Pero ang hindi ko namamalayan,nauubos at nababawasan ang pera ko sa halip na e-save ko eto at ilaan sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.At dahil nasa part ako ng europe nabibili ko ang mga dvd's at cd's na eto sa halagang 15€ to 20€  per piece.Sinubukan kong bilangin at kwentahin ang collection na naipon ko sa loob ng 3 taon.

Item     Quantity  Price/piece        Price in €   Price in 1€/50php 
DVD     200pcs    200pcs × 15€    3,000€        150,000 php           
CD        150pcs    150pcs × 15€    2,250€        112,500php            
Total    350 pcs   350pcs × 15€   5,250€        262,500 php            

After 3 years eto ang nakita kong halaga ng buong items na nakolekta ko.Nakakagulat di ba!Di natin napapansin na ang isang maliit na halaga kapag inipon mo lumalaki eto.Sa palagay mo ba lumalaki ang halaga nitong 262,500 pesos ko na naka file lang at tinititigan ko habang dumadami eto.Obvious na di kumikita,naluluma at nawawala ang value nito di ba.Well,siguro naging masaya naman ako sa tuwing makikita ko eto.

Ang tanong?May halaga paba eto sa bilis ng pagbabago ng teknolohiya.Kung noon ay ay patok ang CD,etoy napalitan ng DVD,ngayon may HDD,ngayon may USB,bawat taon may pagbabago.Naisip ko,hindi sapat na naging masaya ako sa panahon na nabibili ko ang mga bagay na gusto ko.Dahil may mas mahalagang bagay na dapat kong paghandaan at eto ay ang kinabukasan ko at ng pamilya ko.Dahil darating ang panahon na sa pagtanda ko ala na akong lakas para sa pagtatrabaho.

Kung nakabasa ka na ng isang artikulo kung ano ba ang pinagkaiba ng "WANT's versus NEED's makakarelate ka sa artikulong eto.Isang payo lang po kaibigan at kababayan,di naman masama ang mangolekta ka o tayo ng mga bagay na nagpapasaya sa atin at koleksyong ating kinagigiliwan.

Kung..........sobra sobra naman ang kinikita mo para mapagtakpan ang siguridad ng kinabukasan mo at nang buong pamilya mo,ok lang na mag collection ka nito.Pero,

Kung..........dika naman sigurado sa kinabukasan mo at nang buong pamilya mo at mas malaki ang gastos nyo kesa kinikita mo,teka muna.....Dahil eto na ang tamang panahon para pag isipan mo kung saan mo ba dapat ilagay ang perang pinaghirapan mo.Pwede mo etong i-save sa bangko o e-invest mo sa isang bagay na kikita o lalaki ang halaga nito habang humahaba at tumatakbo ang panahon nito.

Mahalaga ang bawat panahon at pagkakataon kaibigan,huwag sayangin ang bawat patak ng pawis na pinaghirapan mo.Palaging tatandaan maging masinop at matalino sa pagmamanipula ng iyong kaperahan.Dahil naniniwala ako na ang tamang pagmamanipula ng iyong kaperahan ang unang hakbang sa katuparan ng iyong mga pangarap.



P.S. Hanggang sa muli.I hope na nagbigay aral sa iyo ang artikulo kong eto,maging matalino at masinop sa perang pinaghirapan mo.Kung nagustuhan mo ang artikulo kong eto,pwede mong i share sa mga friends mo,i like mo and your comment is highly appreciated.



P.S. Lots of Regular Filipinos are Starting to Experience Time Freedom and Financial Abundance."THANKS TO THIS PROVEN SYSTEM" Will you be one of them.CLICK HERE..




P.S. You can watch our daily LIVE FREE ONLINE SEMINAR (monday   to friday 9pm) Pilipinas time.Click here to watch 100% free..




No comments:

Post a Comment